Love, SomeStuff

Hello & Goodbye

af4aec4857afd89044cae448331f1a2c

Para sa isang kaibigan:

Good in every “GoodByes”

Hindi ko din alam kung paano nila nasasabi na Hey! There’s a good in every goodbye, kung sa bawat pag sabi mo nito anjan ang mga luha na kasabay nitong nahuhulog. 😢 Pero susubukan ko na majustify ang salitang GOODBYE in a positive note. 🙂

“People come and go” Kaya nga Hello and Good Bye..

May mga taong darating sa buhay mo. Yung iba, meant mag stay. Yung iba naman, aalis din. Bakit nga ba may kailangan pang umalis? Bakit may kailangan pang magpaalam? Bakit may kailangan pang maghiwalay? Hindi ba pwedeng HELLO and HELLO lang? Wala ng Bye, Paalam?

Pero kasi.. Kung walang bye walang hello. How would you say hello to another if you’re too busy trying to hold on unto something na needs to say bye. Sabi nga “Goodbye welcomes another Hello. Another way to start a brand new”. 

Ayun nga lang hindi lahat ng goodbye ay good, Mas madalas imbes na magtapos sa maayos na usapan, ang iba nagkakasakitan pa. Imbes na magiging magkaibigan pa, nagiging perfectly stranger na. Yun ung nakakalungkot sa salitang good bye eh. Yung minsan na naging matamis na HELLO mauuwi sa Nakakaiyak na GOODBYE. Hindi madalas, pero ito ang totoo, ang salitang GOODBYE ay natatapos sa matang luhaan at pusong sugatan. 💔

” Saying goodbye is the most painful way of solving a problem.”

Yung iba kasi, ginagawang excuse ang pamamaalam o ang pag-alis para makaiwas. Makaiwas saan? Sa mga bagay-bagay, sa maraming bagay. Yung iba hindi na kailangan pang intindihin. Ang kailangan lang ay tanggapin. Tanggapin nga na ang HELLO ay magtatapos na sa salitang GOOD BYE or PAALAM. Ayaw mo man basahin, pero ganito yun eh…PAALAM aalis na ako. Hindi ko alam kung babalik pa.

Sa proseso kasi ng pamamaalam, may umaalis at may naiiwan. Sana buksan natin ang ating mga isipan at maging patas tayo na hindi lang sa part ng iniwan masakit na iniwan sya, masakit din naman yun sa part ng taong nang-iwan sa kanya. Kung anuman ang rason nila, whether it is valid or not, tanggapin na lang natin. At syempre, we have no choice but to keep moving forward. Isipin na lang natin na buhay pa rin tayo. May karapatan pa ring ngumiti. At higit sa lahat, may kakayahang magsimula uli.

So cheer up and MOVE ON.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s